Calendar
Tropical Depression na KIko wala na sa PAR, pa-Japan na
NAKALABAS na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Tropical Depression “Kiko”, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration, (Pagasa) nitong Miyerkules ng hapon.
Sinabi ng Pagasa, si Kiko, na naging tropical depression nitong Miyerkules ng madaling araw, ay nakalabas na ng PAR alas-2 ng hapon.
Ito ay nasa layong 1,120 km silangan hilagang-silangan ng Extreme Northern Luzon, na may lakas ng hanging aabot sa 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometro kada oras.
Si Kiko ay inaasahang tutungo sa southern Japan, na kikilos pahilaga hilagang-kanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.
Sinabi ng Pagasa na walang direktang epekto si Kiko sa lagay ng panahon sa Pilipinas.

