Mabini

Twinning agreement sinelyuhan ng Mabini, Munti

31 Views

Mabini1

MUNTINLUPA CITY–Lumagda sa twinning agreement ang Muntinlupa at Mabini, Batangas para sa pagkakaisa, pagtutulungan at iisang layunin para sa mas mahusay na paghahatid ng serbisyo publiko.

Sa pamamagitan ng ugnayang ito, inaasahang magbubukas ang mas malawak na pinto para sa inobasyon at pagpapalitan ng mga makabagong programa.

Kasama sa kasunduan ang pagpapalakas ng ekonomiya at turismo at pagtutulungan sa mga inisyatibong mag-aangat sa lokal na negosyo at pamayanan.

Andon din ang serbisyong may malasakit at pagpapataas ng antas ng serbisyo publiko sa mamamayan.

Magiging tulay ang ugnayang ito upang higit pang mapabilis ang pag-unlad ng magkabilang lokal na pamahalaan.