Vargas

Vargas muling pagtitibayin commitment batay sa SONA message ni PBBM

Mar Rodriguez Jul 30, 2025
245 Views

Vargas1KASUNOD ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. muling pinatibay ni Quezon City 5th District Rep. Patrick Michael “PM” D. Vargas ang kaniyang commitment alinsunod sa “vision” ni PBBM na nakapaloob sa kaniyang SONA message.

Sinabi ni Vargas na nais nitong tutukan ngayong 20th Congress ang pagsusulong ng mga panukalang batas na sumasalamin sa vision ni Pangulong Marcos, Jr. partikular na sa aspeto ng kabuhayan (livelihood) kalusugan at edukasyon.

Ipinaliwanag pa ni Vargas na sesentro ang kaniyang mga isusulong na panukala sa naturang tatlong issue sapagkat ito ang pinakamahalagang aspeto na kailangang mabigyan ng kaukulang pansin ng administrasyong Marcos, Jr.

Ayon sa kongresista, kabilang sa mga panukalang binabalak nitong ihain ay ang Growth and Recovery para sa mga MSMEs na nakapaloob sa House Bill No. 2271 kasama na dito ang House Bill No. 2268, HB No. 2270, HB No. 2264 at HB No. 2266.

Ang mga nasabing panukalang batas na ihahain nito ngayong 20th Congress ay direkta aniyang tutugon sa panawagan ng Pangulo sa kaniyang SONA address tulad ng pagpapa-igting sa edukasyon, pagpapalakas ng suporta sa youth sector.

Pagbibigay diin pa ni Vargas na napaka-importante na ang mga isusulong niyang panukala ay makakatugon sa tunay na pangangailangan ng bawat Pilipino kung saan ang “national agenda” ay maisasalin sa mga makabuluhang panukalang batas.

“We must translate national agenda into concrete laws that better lives and ensure that no one is left behind. I vow to continue pushing for inclusive forward looking policies that support the administration vision,” sabi ni Vargas.