Calendar
163 Batangas City octogenarians may perang aginaldo
NASA 163 octogenarians kasama ang mga senior citizens na nagdiwang ng kaarawan mula Marso hanggang Hunyo 2024 ang nakakuha ng cash gift sa Batangas City kamakailan.
Ito ang unang batch ng mga senior citizens na isinumite ng Office of the City Social Welfare and Development Officer (OCSWDO) sa National Commission of Senior Citizens (NCSC).
Sa bisa ng Republic Act 11982 ang Expanded Centenarian Act, binibigyan ng P10,000 ang mga senior citizens na umabot ng 80, 85, 90 at 95-anyos bukod pa sa itinakdang P100,000 incentive sa mga aabot sa 100-anyos.
Bahagi ito ng inisyatiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na naglalayong mapabuti ang kalagayan ng mga senior citizens sa bansa.
Ang pagkilala at pagbibigay ng cash gift sa mga natatanging senior citizens ay simbolo ng pasasalamat at paggalang sa kanilang mga kontribusyon, sakripisyo at karunungan.
Katuwang ng NCSC ang mga kawani ng (OCSWDO) at Office of the Senior Citizens Affairs (OSCA) sa pamamahagi ng cash gift.
Hinihikayat ang lahat ng senior citizens sa Batangas City, kabilang ang mga octogenarians at nonagenarians, na magtungo sa OSCA upang makapag rehistro para makatanggap ng benepisyo.

