Just In

Calendar

June 2026
M T W T F S S
1234567
891011121314
15161718192021
22232425262728
2930  
Huli

‘Nagpapaihing’ driver tiklo

387 Views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Arestado noong Huwebes ang drayber dahil sa Ilegal na pagkarga ng diesel o mas kilala bilang ‘paihi’ sa Nasugbu, Batangas

Nahuli si alyas Edwin, 46, bandang alas-11:15 ng gabi ng mga tauhan ng Nasugbu police at 2nd Batangas Provincial Mobile Force Company habang nagsasagawa ng Oplan Sita operation sa Sitio Pingkian, Brgy. Papaya, Nasugbu, Batangas.

Nabuking na sangkot sa paihi ang Isuzu tanker (MGE 700) ng suspek dahil hindi maayos ang pagkaselyo ng discharge valve ng tanker.

Hindi din maipakita ng drayber ang mga dokumento na may kinalaman sa pagdadala ng diesel fuel na nagpapahiwatig ng ilegal na pagdadala o pagbebenta nito.

Sasampahan ang suspek ng kasong paglabag sa Batas Pambansa Blg. 33 (Ilegal na Paggawa, Pagbebenta at Pagdadala ng mga Produktong Petrolyo) sa Nasugbu, Batangas.