Calendar
Boga, shabu nakuha sa 5 arestadong suspek
LIMANG drug suspek ang naaresto na may pag-iingat na 275 na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit P1.88 milyon at baril noong Disyembre 17 at 18 sa Rizal province.
Nahuli noong Disyembre 18 sina alyas Nestor, 53; at alyas J-3, 39, dahil sa dalang 104.1 na gramo ng shabu na may standard price na P707,880, sling bag, mga cellular phones, buy-bust money,at isang motorcycle.
Noong gabi ng Disyembre 17, 2025, nadakip sa Brgy. Pag-asa Binangonan, Rizal sina alyas Kabo, 43; at alyas Toto, 21.
Narekober sa operasyon laban kina alyas Toto ang 100.6 na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P684,080.
Noong Disyembre 17, naaresto sa Brgy. Silangan San Mateo, Rizal si alyas Nor, 48, at nasamsam ang P489,600 na halaga ng shabu; isang baril, mga bala, holster, sling bag at buy-bust money.
Ang lahat ng naarestong suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165, ayon kay Police Colonel Feloteo Gonzalgo, director ng Rizal police.

