Calendar
Ang unang pasyente na gumamit ng dialysis machine sa Laguna Medical Center.
Laguna dialysis center na bago nagbukas na
BUKAS na ang dialysis center sa Laguna Medical Center sa Sta. Cruz noong Huwebes para magbigay ng libreng dialysis treatment sa mga kuwalipikadong pasyente sa lalawigan.
Binisita ni Gob. Sol Aragones ang bagong bukas na dialysis center upang tingnan ang kahandaan nito at makadaupang palad ang mga pasyente.
Kasama niya sina Dr. Odilon Inoncillo, Officer-in-Charge ng Provincial Health Office, at dating Department of Health Undersecretary Dr. Eric Tayag.
Ipinakita ng pagbisita ang patuloy na pagsisikap ng pamahalaang panlalawigan na paunlarin ang kalusugan ng mga mamamayan.
Bukas ang dialysis center mula Lunes hanggang Sabado at tumatanggap ng mga pasyente sa pamamagitan ng naka-iskedyul na mga shift.
Libreng ibinibigay ang dialysis at dialyzer na malaking ginhawa para sa mga pasyenteng nangangailangan ng regular na gamutan.
Namahagi rin si Aragones ng bigas sa mga benepisyaryo bilang karagdagang tulong ng pamahalaang panlalawigan.
“Napakaswerte po namin. Malaking bagay po para sa amin yan lalo sa kapatid ko. Nakalibre na sa bigas, libreng dialyzer,” sabi ng isang pasyente.
Binigyang diin ni Gob. Aragones ang kahalagahan ng pangkalahatang pag-aalaga sa mga pasyenteng may pangmatagalang karamdaman.

