Police

PRO-3 may 645 na bagong parak

Bernard Galang Dec 19, 2025
234 Views

CAMP OLIVAS, San Fernando, Pampanga–Nag-deploy ang Police Regional Office 3 (PRO3) ng 645 bagong patrolmen at patrolwomen sa iba’t-ibang Police Provincial Offices at City Police Offices sa buong Central Luzon.

Sumailalim ang mga bagong pulis sa orientation hinggil sa mga gabay na prinsipyo ng PRO-3 na kilala bilang 3Ps–Protect the People, Pursue Peace and Order, at Promote Professionalism.

“Mahalaga ang deployment ng ating mga bagong nagtapos na pulis upang matiyak na ang bawat yunit ay may sapat na bilang ng tauhan na magsisilbi at nagpoprotekta sa publiko,” sabi ni PRO-3 chief BGen. Rogelio Peñones Jr.

Inaasahang mapapalakas ng karagdagang tauhan ang mga hakbang sa crime prevention, pagpapatupad ng batas at pakikipag-ugnayan sa komunidad, lalo na sa mga lugar na may kakulangan sa lakas-tao at mataas ang pangangailangan sa operasyon, ayon sa hepe ng PRO-3.