Calendar
2 kelot nasakote sa muntikang pagpatay
ARESTADO nitong Sabado ng mga pulis ang dalawang lalaki na nambugbog ng biktima na muntik mamatay sa Sitio Paang Salawal, Brgy. Biga, Calatagan, Batangas.
Nakilala ang biktima na si alyas Estoy, 26; habang ang mga suspek nakilalang sina alyas Pido, 31; at Allan, 56.
Base sa imbestigasyon, sakay ang biktima at kanyang asawa sa motorsiklo ng biglang sumigaw si alyas Pido, hinawakan sa kamay ang biktima at biglang sinuntok sa mukha.
Nahulog ang biktima sa motorsiklo at tumakas pero hinabol siya ng suspek at muling sinuntok at hinataw ng bato sa ulo.
Dumating si alyas Allan na may dalang sanga ng puno at ibinigay kay alyas Pido.
Nakatakas ang biktima mula sa mga suspek at humingi ng tulong mula sa mga residente at nahuli naman ang dalawang suspek.
Ang mga suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Calatagan police habang inihahanda ang pagsasampa ng kasong frustrated homicide.

