Calendar
Assembly dinaluhan ng hepe ng parak
BATANGAS City–Dumalo ang hepe ng pulis ng syudad na ito sa ginanap na assembly sa Brgy. San Miguel na may temang “Nagkakaisang Barangay Tungo sa Kalinisan, Kaayusan, Kapayapaan at Kaunlaran.”
Dumalo ang mga opisyal ng barangay, mga kinatawan ng iba’t-ibang sektor, ang hepe ng pulis na si Lt. Col. Ira Morello at mga residente upang talakayin ang mahahalagang programa, proyekto at inisyatibo para sa kaayusan at kapayapaan sa komunidad.
Ang nasabing aktibidad ay nagsilbing daan upang mapalakas ang ugnayan ng pamahalaang barangay, kapulisan at ng mga mamamayan upang hikayatin ang aktibong pakikilahok ng bawat isa sa pagpapaunlad ng pamayanan.
“Sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagtutulungan, makakamit natin ang mas ligtas, maayos at maunlad na barangay para sa lahat,” ayon sa pulisya.

