Suspek Iniharap ni PLt. Col. Arwen De Silva Nacional, hepe ng Carcar City Police, ang mga nasabat na mga boga at droga sa tatlong suspek. JONJON C. REYES

3 kelot na walang helmet nasita, nabuking dalang baril, droga

Jon-jon Reyes Jul 18, 2026
109 Views

SuspekNATIMBOG ng mga operatiba ng Carcar, Cebu police ang tatlong lalaki na sakay ng motorsiklo na walang helmet na tumakas sa checkpoint at nang mahuli, nabuking ang dalang droga at boga sa Sitio Kapatagan, Brgy. Perrelos, Carcar City, Cebu noong Biyernes.

Kinilala ang mga natimbog na suspek na sina alyas alyas Henry, 30; Jerime, 38; at Jannel, ayon kay Police Lieutenant Colonel Arwen De Silva Nacional, hepe ng Carcar City police.

Bandang alas-4:50 ng hapon ng maglatag ng checkpoint sina PSSg John Rey Dayanan, PCpl Joshua Pacia at Pat Lyndon Ramirez.

Walang helmet ang tatlo pero ng mahuli, tumalon mula sa motorsiklo ang mga angkas at sinubukan pang tumakbo ngunit napigilan ng mga pulis at inaresto at doon nakuha ang iba’t-ibang baril at mga droga.

Nakumpiska mula sa mga suspek kabilang ang 1 KG9 submachine gun na may tatlong magazine, isang silencer ng baril, black widow revolver na kargado ng tatlong bala at P1,200.

Nakuha rin sa kanila ang 4 na cellular phone, 1 martilyo, 1 lighter, 1 coin purse, 76 na plastic sachet at 3.8 na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P25,840.

Isinagawa ang pisikal na imbentaryo sa harap nina SK Councilor Vhince Daan at SK Councilor Copet Dave Amores.

Kakasuhan ang tatlo ng paglabag sa RA 9165 at at RA 10591.