Surrender LARAWAN NG PAGSUKO NG 3 DATING REBELDE SA ZARAGOSA,N.ECIJA. (NEPPO PHOTO)

3 rebelde sumuko sa pulisya ng Nueva Ecija

Steve A. Gosuico Jul 22, 2026
133 Views

ZARAGOSA, Nueva Ecija – Tatlong umano’y dating kaanib sa Damayan sa Kanayunan Laban sa Kahirapan (DAMAKKA) na kaalyado ng Alyansa ng mga Magbubukid sa Gitnang Luson ang sumuko sa Nueva Ecija police bitbit ang isang fragmentation hand grenade nitong Martes.

Sa kanyang ulat kay Police Regional Office 3 director Brig. Gen. Jess B. Mendez, kinilala ni Nueva Ecija top cop Col. Ritchie R. Claravall ang tatlong sumuko na isang 20-anyos na babae, ng Bgy. Poblacion Sur, Laur, Nueva Ecija, isang 24-taong-gulang na lalaki ng kaparehong lugar, at isang magsasaka, 64, ng Purok 6, Bgy. San Miguel, Parucot, Quezon.

Aniya pinapakita nito na lumalakas ang kampanya para sa pangmatagalang kapayapaan laban sa insurhensya sa Gitnang Luzon, ayon sa direktiba ni PRO3 chief Brig.Gen. Mendez bilang hepe ng Regional Task Force 3 sa NTF-ELCAC.

Ginanap ang aktibidad sa Bgy. Carmen nitong Martes umaga dito.

Ang tatlong personalidad na ito ay dating miyembro ng DAMAKKA, na binawi ang kanilang suporta sa AMGL-NE.

Ang kanilang pagsuko ay pinangunahan ng 1st provincial mobile force company na pinamumunuan ni Lt. Col. Rammel L. Ebarle bilang lead unit, at iba pang operating teams — Zaragoza MPS, PIU-NEPPO, DMFB-NPD, NCRPO, PNP SAF 2SAB 21st Special Action Company, at PIT NE-RIU3, ayon kay Claravall.

Ayon kay Ebarle, ang tatlo ay nirekrut ng isang Ka Ortiz noong 2017.

Sabi ni Claravall: “Ang tagumpay na ito ay nagpapakita ng epektibong pakikipagtulungan sa loob ng Joint Regional Task Force 3 na pinamumunuan ni Brig.Gen. Mendez at ang matibay na pangako ng ating pulisya na hikayatin ang mga rebelde na bumalik sa batas.”