Barko

3 TRIPULANTE SUGATAN, 125 NASAGIP SA NASUNOG NA BARKO SA SURIGAO CITY

169 Views

TATLONG tripulante ang nasugatan habang 125 na iba pa ang nasagip makaraang masunog ang barkong sinasakyang ng mga ito patungong Surigao City.

Nakilala ang mga biktima na sina Arnel Dela Cruz, Christian Lei Macapagal at Dan David Mosa.

Batay sa ulat ng Coast Guard Station Surigao Del Norte, galing ang M/V Maria Felisa sa Port Benit sa San Ricardo, Southern Leyte at patungo sa Port of Lipa sa Surigao City nang masunog ang engine compartment nito.

Namatay ang makina ng barko kaya’t nagkagulo ang mga pasahero

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng Coast Guard Sub-Station Lipata lulan ang MV Maria Vanesa at MV Binibining liloan para iligtas ang mga tripulante at pasahero ng barko.

Dinala ang mga nasugatang tripulante sa Caraga Regional Hospital.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente.