Kalamidad pinaghahandaan ng Laguna PDRRMO

Gil Aman Feb 3, 2026
149 Views

NAGKAROON ng pulong ang mga miyembro ng Laguna Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) para sa unang quarter ng 2026 noong Lunes upang maghanda sa mga hindi inaasahang kalamidad.

Pinagtibay ang kahandaan ng PDRRMO sa sakuna at maayos na koordinasyon ng tugon sa mga kalamidad sa buong lalawigan.

Dumalo sa pagpupulong ang mga miyembro ng konseho, mga yunit ng pamahalaang lokal at iba pang katuwang na ahensya upang talakayin ang mga pangunahing programa at patakaran.

Ipinresenta ng konseho ang Resolution No. 1 tungkol sa Transfer at Re-alignment ng 2025 Special Trust Fund kabilang ang pondo para sa mga programang pangkahandaan at subsidiya sa mga lokal na pamahalaan.

Gayundin ang Resolution No. 2 hinggil sa Annual Investment Program (AIP).

Tinalakay rin ang Continuing Fund, pagbubuo ng PDRRM Council, pagpapabuti at kagamitan para sa mga evacuation center at pagbabago sa Programs, Projects and Activities (PPAs).

Ayon kay Aldwin Cejo, ipagpapatuloy ng PDRRMO ang pagpapatupad ng mga pagsasanay sa kahandaan sa sakuna tulad ng fire drills, ambulance operation, basic life support, rapid earthquake assessment at iba pang pagsasanay.