Calendar
Congratulations Comm. Ariel, for a job well done!
MAGANDANG araw sa ating mga suki, lalo na sa mga kababayan natin sa Japan, Oman, Saudi Arabia, at sa iba pang panig ng mundo.
Binabati natin sina Ma. Theresa Yasuki, Mama Aki ng Ihawan, La Dy Pinky, Endo Yumi, Glenn Raganas, Patricia Coronel, Roana San Jose, Winger dela Cruz, Yoshiko Katsumata, Josie Gelo, Hiroki Hayashi, at Hiroshi Katsumata.
Binabati rin natin si Joann de Guzman at mga kasama niya sa Oman: Dolores Monfero, Delia Sunga ng Saudi Arabia.
Nawa’y nasa mabuti at ligtas kayong kalagayan.
God Bless!
***
Kamakailan ay tumanggap ng komendasyon ang Bureau of Customs (BOC), na pinamumunuan ni Commissioner Ariel F. Nepomuceno, mula sa maimpluwensyang Export Development Council (EDC).
Ang parangal na ibinigay ng EDC ay bilang pagkilala sa mga tulong na ibinibigay ng ahensya sa mga exporter ng iba’t ibang produkto sa bansa.
Ang pagkilala ay nakapaloob sa isang sulat ng EDC kay Customs Commissioner Nepomuceno, isa sa paboritong anak ng Malabon City.
Sa sulat, pinasalamatan ni EDC Deputy Executive Director Elsa dela Paz-Valenzuela ang ahensya “for its exemplary efforts and unwavering support in promoting the country’s export development.”
Sinabi ni Valenzuela na “BOC’s contributions were instrumental in fostering a more supportive, efficient, and enabling environment for Philippine exporters, and advancing the national agenda of trade competitiveness and inclusive growth.”
Inilakip sa sulat ang kopya ng EDC Resolution No. 7 na naga-outline ng mga programa ng BOC na nagpapabuti sa trade facilitation at nagpapalakas sa competitiveness ng mga produktong ini-export natin.
Pinasalamatan naman ni Commissioner Nepomuceno ang pamunuan ng EDC sa pagbibigay ng komendasyon sa BOC na nasa ilalim ng Department of Finance.
“I am truly pleased with the EDC’s recognition of the Bureau of Customs’ accomplishments,” sabi ni Commissioner Nepomuceno.
Ayon pa kay Nepomuceno, lahat ay ginagawa ng kanyang mga opisyal at kawani para tulungan ang bansa para maging “net-exporting nation” ito.
Congratulations Comm. Ariel, for a job well done!
***
Nananatiling isa sa major collection districts ng Bureau of Customs (BOC) ang Manila International Container Port (MICP).
Ayon kay MICP District Collector Felipe Geoffrey K. de Vera IV, patuloy na sumusuporta ang kanyang mga tauhan sa Integrity, Accountability and Modernization (IAM) Movement ni Commissioner Ariel F.Nepomuceno.
Inilunsad ng BOC ang IAM Movement para lalong mapaganda ang performance ng ahensya sa larangan ng revenue collection, border protection, at public service initiatives.
Dahil dito, lumobo ang koleksyon ng MICP sa unang siyam na buwan ng 2026.
Umabot ng P184.3 bilyon ang kabuang tax collection ng MICP mula Enero hanggang Setyembre, ayon sa inisyal report na inilabas ng BOC.
Sa kaparehong period noong 2025 ay P173.20 bilyon lang ang koleksyon ng MICP.
Para maging more accessible ang serbisyo sa MICP ay pinanaiili ng port of entry ang Customer Care Counter (CCC) at OFW Help Desk.
Ang dalawang opisinang ito ay naglalayong tumulong sa mga overseas Filipino workers at ibang kliyente na may problema sa customs-related concerns.
Maliban sa kanilang “core functions,” abala rin ang MICP sa community outreach at feeding activities sa ilalim ng kanyang “Corporate Social Responsibility (CSR) Program.”
Sinabi naman ni Commissioner Ariel F. Nepomuceno: “I commend MICP personnel and partners for their sustained efforts in safeguarding government revenues, protecting our borders, and facilitating legitimate trade.”
(Para sa inyong komento at suhestiyon, mag-text sa #0917-8624484/email:philipreyes08@yahoo.com.)
