Asuncion Col. Agosto Asuncion, Ilocos Sur police director.

Suspek sa pagts*gi sa online seller sa Vigan, nasakote

Christian Supnad Nov 22, 2026
213 Views

VIGAN CITY, Ilocos Sur– Nahuli ng mga pulis noong Sabado ang suspek sa pagbaril at pagpatay sa .35 anyos na online seller Biyernes ng gabi sa Barangay Pong-ol, Vigan City, Ilocos Sur.

Ayon kay Col. Agosto Asuncion, police director, ang biktima na ay residente ng Cuancabal.

Inaalam pa ng innestigator kung selos ang dahilan ng pagpaslang.

Ang suspek ay dating nobyo umano ng nobya ng biktima.

Ayon sa initial police report, ang suspek na si alyas Dionisio , 35, magsasaka na tubing Sta. Teresita, Cagayan, ay kasalukuyang nakatira sa Barangay Don Lorenzo Querubin, Caoayan, Ilocos Sur.

Bigla umanong pumasok ang suspek sa bahay na kinaroroonan ng dati niyang GF at ng biktima.

Bigla na lang umanong bumunot ng baril ang suspek at pinagbabaril sa ulo at iba pang parte ng katawan ang biktima. Agad siyang tumakas.

Agad dinala si Garcia sa Ilocos Sur Provincial Hospital–Gabriela Silang, ngunit idineklarang patay na ni Dr. Cristine Gorion.