Just In

Calendar

April 2025
M T W T F S S
 123456
78910111213
14151617181920
21222324252627
282930  
Cabrera

Pets pwede na sa LRT-2

205 Views

PAPAYAGAN ng isakay sa mga tren ng Light Rail Transit Line 2 ang mga alagang hayop.

Ayon kay Light Rail Transit Authority (LRTA) administrator Hernando Cabrera papayagan ito simula sa Pebrero 1.

Sinabi ni Cabrera na dapat ay bakunado ang mga pet at nasa loob ng kulungan upang hindi makaabala sa ibang pasahero. Dapat din umano ay malinis ang mga ito at nakasuot ng diaper.

Ang mga maliliit na alaga rin umano ang papayagang sumakay para hindi makaabala sa ibang pasahero.