Just In

Calendar

July 2026
M T W T F S S
 12345
6789101112
13141516171819
20212223242526
2728293031  
Bersamin

Pasok sa gobyerno hanggang tanghali lang sa Abril 5

482 Views

HANGGANG alas-12 ng tanghali lang ang pasok sa mga tanggapan ng gobyerno sa Abril 5.

Ayon sa Memorandum Circular No. 16 na inilabas ng Malacañang ito ay upang makapaghanda ang mga empleyado na uuwi sa kani-kanilang probinsya sa Abril 6 at 7 na regular holiday.

“Those agencies whose functions involve the delivery of basic and health services, preparedness/response to disasters and calamities, and/or the performance of other vital services shall continue with their operations and render the necessary services,” sabi sa MC 16 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin.

Ang mga pribadong kompanya ay binibigyan naman ng laya na magdesisyon kaugnay nito.