Mendoza

Bagong sasakyan mabibigyan ng plaka sa loob ng 1 linggo—LTO

107 Views

TARGET ng Land Transportation Office na mabigyan ng plaka ang mga bagong sasakyan sa loob ng isang linggo mula sa pagrerehistro nito.

Kumpiyansa si LTO chief Vigor Mendoza II na magiging ganito na kabilis sa susunod na buwan.

Upang matugunan naman ang 13 milyong backlog sa plaka ng mga motorsiklo at 80,000 sa mga mas malalaking sasakyan, sinabi ni Mendoza na target ng ahensya na itaas ng 33 porsyento ang kanilang arawang produksyon ng plaka.

Sinabi ni Mendoza na nakikipag-ugnayan ito sa Department of Transportation (DOTr) upang unti-unting maubos ang backlog ng mga plaka.

Isa umano sa mga nakikitang opsyon ang pagdagdag ng mga shift ng mga gumagawa ng plaka. Mula sa kasalukuyang dalawang shift ay gagawin umano itong tatlong shift.

Kung magagawa umano ito sa loob ng 14 na buwan ay magagawa na lahat ng backlog.