Pumaren

Rep Pumaren: Kamara mas ganadong magtrabaho dahil sa mataas na rating ni Speaker Romualdez

Mar Rodriguez Oct 30, 2023
231 Views

NAGPAHAYAG ng kagalakan si House Deputy Majority Leader at Quezon City 3rd District Rep. Franz Pumaren sa resulta ng OCTA Research survey kung saan malaki ang itinaas ng performance at trust rating ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, bagay na lalong maghihikayat sa Kamara de Representantes na pag-ibayuhin ang ibinibigay nitong serbisyo publiko.

“We are delighted to witness the substantial surge in trust and approval ratings for Speaker Romualdez, which reaffirms the faith our constituents have in his leadership,” sabi ni Pumaren.

“These remarkable results inspire us to continue our dedicated efforts to serve the people and work towards the betterment of our nation,” dagdag pa niya.

Sa survey ng OCTA Research na isinagawa mula September 30 hanggang October 4, nakakuha ng malaking pagtaas sa trust rating ni Speaker Romualdez at nakapagtala ng 60%. Malayo ito sa 38% na nakuha ng lider ng Kamara noong 2022 at sa July 2023 survey kung saan nakakuha si Speaker Romualdez ng 54%.

Malaki rin ang itinaas sa satisfaction rating ng House Speaker na nakapagtala ng 61%. Ito ay mas mataas sa 44% na naitala sa mga survey sa pagitan ng 2020 hanggang 2022 at sa 55% na nakuha ng lider ng Kamara sa survey noong Hulyo 2023.

“The House of Representatives remains committed to addressing the pressing issues that affect our citizens, and this survey fuels our determination to do so,” dagdag pa ni Pumaren. “We stand united in our support for Speaker Romualdez and his leadership in addressing the challenges facing our country.”