Fajardo Hawak ni Police Regional Office 3 director P/Brig.Gen. Jean S. Fajardo ang isang kalibre .45 katabi si Nueva Ecija police chief P/Col. Ferdinand Germino kamakailan. Kuha ni STEVE A. GOSUICO

NE police nakasamsam ng 459 na boga

Steve A. Gosuico Feb 13, 2025
29 Views

CABANATUAN CITY–Aabot sa 459 na baril ang nasamsam, isinuko at idineposito sa mga pulis ng lalawigang ito simula nang maupo si P/Col. Ferdinand D. Germino bilang Nueva Ecija police chief noong Sept. 2, 2024.

Ayon kay Germino, ang total crackdown ipinatupad bilang paghahanda sa midterm elections sa Mayo 12, 2025.

Nagpatupad ng 83 search operations, kabilang ang gun ban ng Commission on Elections, na nagresulta sa pagkakakumpiska ng 100 loose firearms at pagkakaaresto ng 75 suspek.

Ang Revitalized Oplan Katok at Balik-Baril nagresulta sa pagiingat ng kapulisan ng 121 na armas at karagdagang 238 na baril na boluntaryong isinuko.

“Bilang isang Novo Ecijano, tinatanggap ko ito bilang isang taimtim na tungkulin na pagsilbihan at protektahan ang ating komunidad,” sabi ng pulis.