Lacuna

Mayor Honey: Ako at si Isko na lang naglalaban para sa Manila mayor

Edd Reyes Apr 22, 2025
16 Views

KUMPIYANSA si Manila Mayor Honey Lacuna na magiging dalawa na lamang sila ng dating alkalde Francisco “Isko Moreno” Domagoso na maglalaban sa nalalapit na halalan.

Ibinatay ng alkalde ang pahayag niya sa pinakahuling survey ng Tangere kung saan nakakuha siya ng 37% habang bumaba naman sa 51% mula sa 80% si Domagoso kaya’t 14 na puntos na lamang ang agwat nila ng dating mayor.

May tatlong linggo pa bago ang halalan at dahil nasa kanya na ngayon ang momentum, hindi malayo na maging single digit na lang ang magiging lamang sa kanya ni Domagoso na ngayon pababa na matapos maabot ang pinakamataas na puntos.

Nagtagumpay ang Asenso Manileño sa pagtuhog sa mga fake news na ipinakakalat ng kanyang kalaban matapos gibain ang mga pekeng balita na mula sa kampo ng dating alkalde.

Husto na aniya ang tatlong linggo kay Mayor Lacuna at sa Asenso Manileño upang tuluyang lagpasan ang lamang ni Domagoso hanggang sa araw ng halalan.

“We give credence to the Tangere survey results because they have a strong track record on local and community level research, unlike other entities whose forte are on national matters.

We also correlate the Tangere results with changes in the attack tactics of the former mayor,” pahayag pa ni Lacuna.