Antipolo

7 panadero tinarakan ng patalim, patay

17 Views

HALOS maligo sa sariling mga dugo at nakahandusay ang pitong panadero sa J&B Malunggay Bakery nang matagpuan ng mga otoridad ng Antipolo Component City Police Station na tadtad ng mga saksak, Martes ng umaga, sa Purok 1, Zone 8. Cupang, Antipolo City, Rizal, base sa report ng pulisya.

Ayon kay Rizal police director PCOL Felipe B. Maraggun kinilala ang suspek na si alyas Robert, nasa hustong gulang, at pansamantalang residente sa kaparehong lugar.

Base sa salaysay ng sumukong salarin nagawa niya umanong paslangin ang mga biktima matapos niyang patayin ang ilaw sa loob ng bakery.

Ayon pa sa suspek, bago pa mangyari ang krimen narinig niyang nag-uusap ang mga biktima at nagkasundo na patayin siya nito kaya inunahan na niya silang patayin.

Kaagad na sumuko ang salarin sa mga otoridad at inamin ang ginawang pagpatay sa harap ng media ngayon.

Kasalukuyang nakakulong sa Antipolo City Holding and Detention Facility ang salarin at nahaharap sa kasong multiplemMurder na walang kaukulang piyansa, ayon kay Maraggun.