Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
SUV

Driver iwas todas matapos SUV mabagsakan ng semento

Edd Reyes Jun 12, 2025
341 Views

SUGATAN ang 21-anyos na estudyante nang mabagsakan ng tipak ng semento ang minamaneho niyang Toyota Fortuner noong Miyerkules sa Paranaque City.

Isinugod ng mga nagrespondeng pulis sa Paranaque Doctor’s Hospital ang biktimang si Gabriel Ian Jimenez kung saan siya nilapatan ng lunas dahil sa mga tinamong sugat sa ulo.

Sa ulat ng Highway Patrol Group (HPG), tinatahak ng biktima ang kanang bahagi ng lansangan sa ilalim ng expressway patungong Mia Road sa Brgy. Tambo pasado ala-1:00 ng hapon ang mabagsakan ng malalaking tipak ng konkretong semento na hinihinalang nabakbak mula sa Skyway at NAIAX ang bubungan at windshield ng kanyang sasakyan.

Sa laki ng mga bumagsak na tipak ng semento, nabasag ang windshield at nayupi ang bubungan ng sasakyan na dahilan ng pagkakaroon ng sugat sa ulo ng biktima.