Shabu Ang arestadong suspek at nakumpiskang shabu, pera at baril mula sa kanya. Mga kuha ni JONJON C. REYES

Binata arestado sa buy-bust sa Sta Ana, P7M nakumpiska

Jon-jon Reyes Jun 18, 2025
18 Views

Shabu1BINITBIT ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) ng Manila Police District ang 47-anyos na binata matapos arestuhin sa harap ng bahay sa Jose Abad Santos Avenue, Barangay 206, Tondo,Manila. .

Nakilala ang suspek na si alyas Lito, binata ,ng Choromium Street, Sta Ana, Manila.

Ayon sa ulat ni Police Major Salvador Iñigo Jr, hepe ng DDEU, na pinangasiwaan ni Police Lieutenant Colonel Wilfredo Fabros, ng MPD Barbosa Police Station 14, bandang 9:45 ng gabi nitong nakaraang June 14, 2025 ,nang ikasa ang buy-bust.

Nakumpiska ang 1,022 kilong hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6,949,600, genuine na P500 at boodle money ang ipinain sa binata

Narekober din ang kalibre 38 na may limang bala mula sa suspek.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong illegal possesion of firearms and ammunition at paglabag sa Section 5 at Section 11 ng Article II ng Republic Act 9165.