Speaker Romualdez Sa kanyang mensahe noong Miyerkules sa isinagawang fellowship dinner para sa baguhang miyembro ng Kamara sa Imelda Hall sa Aguado, Maynila, sinabi ni Speaker Martin Romualdez na inaabangan niyang makatrabaho ang mga ito upang maisulong ang mga panukalang batas na nakaayon sa Bagong Pilipinas na bisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. Kuha ni VER NOVENO

Romualdez walang seryosong kalaban sa speakership race sa 20th Congress

493 Views

Suportado ng 287 sa 317 kongresista 

WALANG malinaw na seryosong kalaban sa speakership race ng Kamara sa 20th Congress si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na suportado umano ng 287 sa 317 miyembro ng paparating na Kongreso.

“With the numbers that presented in front of us, parang malabo,” ani House Assistant Majority Leader at Manila Rep. Ernesto “Ernix” Dionisio Jr. nang tanungin sa isang media briefing kung may seryosong kalaban si Speaker Romualdez sa pagka-Speaker sa ika-20 Kongreso.

“Each vote, each decision by each House member is given weight and importance. Just to be exact, there’s already 283 who signed the manifesto, so that’s an overwhelming majority in the support of Speaker Martin Romualdez,” pahayag ni Dionisio.

“Actually, who signed there are already 287 who expressed their support. It’s more of hindi pa sila nakaka physically signed. But 287 total expressed their support and 283 who physically signed the manifesto.”

“I think the leadership of House Speaker kasi it’s supported really by the majority of the present and incoming members of the House,” dagdag pa niya.

Kinumpirma rin ni House Assistant Majority Leader at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na 283 mambabatas na ang lumagda sa manifesto ng suporta para kay Speaker Romualdez mula sa kabuuang 287 na nagpahayag ng kanilang suporta, na nagpapakita ng matatag na hawak ng mambabatas mula Leyte sa Kamara habang papalapit ang bagong sesyon ng lehislatura.

“Anybody can actually run for the Speaker,” ani Adiong. “But the question is whether that person or that Congress member has the number to secure the position. So sinabi nga ni Cong. Ernix, we have already secured 280 plus signatures supporting Speaker Martin Romualdez to be our Speaker in the 20th Congress,” dagdag pa niya.

Lalo pang tumatag ang suporta kay Speaker Romualdez bago ang State of the Nation Address (SONA), kung saan opisyal na gaganapin ang eleksyon para sa pagka-Speaker.

Ang pag-endorso ng 287 na mambabatas ay nagpapakita ng halos pagkakaisa ng mga miyembro, mula sa mga pambansang partido at lokal na kinatawan ng mga distrito.

Nang tanungin ukol sa naging pahayag ni Deputy Speaker Duke Frasco na susuportahan niya si incoming congressman Rep. Albee Benitez o si Rep. Toby Tiangco para sa pagka-Speaker, binigyang-diin ni Adiong ang boluntaryo at demokratikong proseso ng pagpili ng liderato.

“Well, he’s entitled to his opinion, he is entitled to cast his vote to whom he feels for him betting for the position,” ani Adiong.

“Wala naman pong nagpwe-pwersa sa bawat isa sa amin na bomoto, in fact that actually is a manifestation that there is no… that when it comes to the election of the speakership wala pong sapilitan dito sa House,” pagpapatuloy niya.

Dagdag pa ni Adiong, ang manifesto ay nilagdaan nang malaya at kusang-loob ng bawat mambabatas na sumusuporta sa patuloy na pamumuno ni Speaker Romualdez.

“Yung 200-plus congressmen na nag-signed sa manifesto voluntarily and consciously supporting Speaker Martin Romualdez. So sa kanya pong palagay iyon, nirerespeto naman natin yung opinion nya,” dagdag niya.

Ipinahayag din ni Dionisio ang parehong saloobin na nananatiling isang demokratikong proseso ang speakership race at lahat ng miyembro ay iginagalang anuman ang kanilang paninindigan.

“At the end of the day Congress is a collegial body,” ani Dionisio.