Calendar
Ang ilan sa mga kamag anak ng mga nahuli at nanggulo sa Ayala Bridge at Mendiola sa isinagawang rally habang nag hihintay sa harap ng Manila Police District (MPD) headquarters sa UN Avenue, Ermita, Manila.
Rally sa MPD HQ ginanap para sa inarestong kabataan noong Linggo
PUMUNTA sa headquarters ng Manila Police District sa UN Avenue, Ermita, Manila ang magulang ng 216 na kabataan at menor-de-edad na naaresto sa iba’t-ibang lugar noong naganap na malawakang rally laban sa korapsyon noong Linggo.
Matiyagang naghintay ang mga magulang sa main gate ng MPD headquarters para makakuha ng update sa anak nila na karamiha’y nagsunog ng container truck, motorsiklo, nambato ng mga bote, kahoy, bakal at bato sa Ayala Bridge corner Romualdez St., Ermita, Manila.
Naaresto ang 216 indibidwal mula sa Ayala Bridge, Mendiola at CM Recto, ayon sa record ng MPD.
Sa Ayala bridge 51 ang naaresto, 21 sa Mendiola at 61 sa C.M. Recto, ayon sa record.
Bandang alas-3:00 ng hapon nagsagawa ng protesta ang ilang militanteng grupo sa harap ng MPD headquarters para kondenahin ang mga pulis sa pag-aresto sa mahigit 200 katao.

