Hontiveros

Hontiveros kinondena pananakit sa mga Pilipinong mangingisda

211 Views

MARIING kinondena ni Senadora Risa Hontiveros ang panibagong insidente ng pananakit umano ng China sa mga Pilipinong mangingisda gamit ang water cannon sa West Philippine Sea.

“I strongly denounce China’s relentless aggression against our fisherfolk. Hindi na nga maayos na makapaghanapbuhay ang ating mangingisda sa sarili nating karagatan, sasaktan pa nila?” pahayag ng senadora.

Idiniin ni Hontiveros na hindi ito ang unang beses na may nasaktan sa mga insidenteng may kinalaman sa China. “May Navy na nawalan ng daliri, mga Coast Guard crew na nagkaroon ng temporary blindness, at ngayon, mga mangingisdang nasugatan,” aniya.

Kaugnay nito, nanawagan ang senadora sa pamahalaan na palakasin ang kakayahan sa depensang pandagat. “We must urgently strengthen all maritime and defense capabilities as much as we can, as soon as we can,” dagdag pa niya. “More Coast Guard personnel and vessels must accompany them to the West Philippine Sea. Lagyan na ng malinaw na budget at sapat na suporta ang ganitong inisyatibo”.

Nanawagan din siya na bilisan ang pagbuo ng mga kasunduang pang-depensa sa mga kaalyadong bansa. “This escalating violence must compel our government to immediately fast-track defense treaty negotiations with like-minded countries”.

Bilang pinuno ng Senate Committee on Health and Demography at Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality, sinabi ni Hontiveros na hindi dapat pabayaan ang mga mangingisda. “Huwag nating hayaang mag-isa at walang proteksyon ang ating mga mangingisda,” giit niya.

Wala pang opisyal na tugon mula sa panig ng China ukol sa ulat na pananakit.