Rep. Romeo

Momo nilinaw na di umiiwas sa isyu ng flood control projects sa pagbitiw

Mar Rodriguez Dec 14, 2025
187 Views

π—•π—œπ—‘π—œπ—šπ—¬π—”π—‘π—š linaw ni Surigao del Norte 1st district Rep. Romeo Momo Sr. na hindi pag-iwas sa flood control projects issue ang kaniyang pagbibitiw bilang miyembro ng House contingent sa Bicameral Conference Committee.

Sinabi niya na iniiwasan niya na mabahiran ng maling interpretasyon ang magiging resulta sa deliberasyon ng Bicam.

“Although I can really contribute much to a discussion dahil alam ko naman ang budget process. Pero ang problema lang kasi dahil sa predicament ko ngayon ay baka mabahiran ng masamang interpretasyon ng mga tao ang integridad ng Bicam,” paliwanag ni Rep. Momo.

“Mas magandang umiwas muna ako. Hindi dahil umiwas dahil ayaw kung magtrabaho. Kung hindi, ayaw kong mabahiran ang resulta ng Bicam body sa ginagawa nilang pagtalakay,” dagdag ng kongresista.

Muling iginiit ng mambabatas na political motivated ang isinampang plunder at graft complaints laban sa kaniya ng isang grupo ng pari at mga abogado.

Iginnit niya na wala siyang kaugnayan sa La Suerte Corporation.

“Guided by my firm belief and respect for our democratic institutions and my enduring commitment to public service. I have formally tendered my courtesy resignation as member of the Bicameral Conference Committee deliberating on the GAA Bill for Fiscal Year 2026,” paliwanag ni Rep. Momo.