PRO

Park na natodas sa pagresponde, pinarangalan

Christian Supnad Dec 27, 2025
190 Views

CAMP BGEN EFIGENIO NAVARRO, Calapan City–Pinarangalan at binigyan ng pera ng hepe ng Police Regional Office (PRO)-4B ang pulis na namatay sa saksak matapos rumesponde sa gulo sa El Nido, Palawan noong Dec. 22.

Ayon sa ulat, patay nang pagsasaksakin si PSSg Junery Pagunsan Omagap, 37, ng El Nido police habang rumeresponde sa isang gulo sa Real St., Brgy. Maligaya, El Nido, Palawan.

Nagroronda ang tropa ni PSSg Omagap nang makatanggap ng tawag tungkol sa tourist guide na binubugbog ng walong lalaking lasing.

Hinabol ng kapulisan ang mga suspek na kumaripas ng takbo at sa halip na huminto, inundayan ng saksak ng isa sa mga suspek na si alyas El, 25, ang rumespondeng si Omagap na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

“PSSg Omagap stood firm in the face of danger and faithfully carried out his duty with courage and compassion.

His service will continue to inspire his fellow police officers and remain in the hearts of the people he served,” sabi ni P/BGen. Jovencio Badua, hepe ng PRO-4B.