Parak-Bulacan tinimbog suspek sa krimen sa Bulacan

Bernard Galang Dec 27, 2025
185 Views

DINAKIP ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Region 3 ang isang suspek sa paglabag sa RA 7610 (Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act) sa Fairview, Quezon City.

Ayon kay CIDG Regional Field Unit 3 (RFU3) chief Col. Grant Gollod, naaresto ang suspek na si alyas Fortunato, 25, sa bisa ng warrant of arrest para sa tatlong counts ng paglabag sa RA 7610.

Inisyu ng Regional Trial Court, Third Judicial Region, Branch 121 sa Meycauayan City, Bulacan ang arrest warrant para kay alyas Fortunato.

Dinala ang suspek sa CIDG Bulacan PFU para sa standard booking procedures at dokumentasyon.