Remulla

Jonvic itinanggi na naospital kapatid na si Boying

267 Views

MARIING itinanggi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla ang kumakalat na balita na na-confine umano sa ospital ang kanyang kapatid na si Ombudsman Jesus Crispin “Boying” Remulla.

Ayon sa kalihim, walang katotohanan ang mga ulat at nasa mabuti at normal na kalagayan ang Ombudsman. Aniya, malinaw na patunay nito ang naging aktibidad ni Boying nitong umaga.

“Ombudsman Boying is not hospitalized. He was playing golf this morning. We are having breakfast tomorrow,” saad ni Remulla.

Dagdag pa niya, patuloy na ginagampanan ng Ombudsman ang kanyang mga tungkulin at walang anumang isyung medikal na dapat ikabahala. Binigyang-diin ng kalihim na ang mga kumakalat na spekulasyon sa social media ay pawang maling impormasyon lamang.