HVI

Empleyado ng gobyerno, kasabyat huli sa shabu sa Palayan City

Steve A. Gosuico Jan 3, 2026
393 Views

CAMP GEN. MARIANO LLANERA, Cabanatuan City–Laglag sa mga pulis ang government employee at kanyang kasabwat noong Sabado dahil sa pagdadala ng 1 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng mahigit P7,000.

Sa ulat ni Palayan City police chief Lt. Col. Manny Israel, natiklo ang 43-anyos na lalaki at kasamang 37-anyos sa Brgy. Atate, Palayan City, dakong alas-2:00 ng madaling araw.

Nasamsam sa operasyon ang shabu na may timbang na 1.03 gramo at halagang P7,004.

Inihahanda na ang pagsasampa ng kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) laban sa dalawang naarestong suspek.