Magsino

Magsino ikinatuwa pagkilala sa namayapang DMW Sec Ople

Mar Rodriguez Jan 6, 2026
327 Views

NATUTUWA ang OFW Party List dahil sa pagkilala ng pamahalaan sa namayapang si ex-Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Maria Susana “Toots” Ople.

Personal na kakilala ang namayapang kalihim ni dating OFW Partylist Rep. Marissa “Del Mar” Magsino kaya ganoon na lamang ang kanyang kasiyahan para sa yumaong BFF (best friends forever).

Ginawaran ng pamahalaan ng posthumous conferment ng Order of Lakandula na may ranggong Grand Cross (Bayani) si Ople.

Sinabi ni Magsino na si Ople ang kanyang inspirasyon para ipagpatuloy ang kanyang adbokasiya para sa karapatan ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at Filipino seafarers.

Sinabi ni Magsino na noong 19th Congress, nasaksihan niya ang pagtutok ni Ople para sa mga OFWs na nangangailangan ng tulong ng pamahalaan habang nasa ibang bansa.

Ayon kay Magsino, naging mabilis ang pagtugon ng OFW Party List sa problema ng mga OFWs dahil sa magandang partnership sa DMW sa tulong ni Ople.

Pinapurihan din ng dating partylist Lady solon ang kabutihang loob ni Ople sapagkat lagi siyang bukas para magbigay ng tulong sa lahat ng mga Pilipino.