Gatchalian

Anti-EPAL di lang tuwing eleksyon, kundi araw araw na

182 Views

SINABI ni Sen. Sherwin “Win” T. Gatchalian, chair ng Senate Committee on Finance, na ang panukalang 2026 national budget ay may taunang anti-EPAL safeguards, hindi gagalaw sa pension at bonus ng mga kawani ng gobyerno, nagtanggal rin ng bilyong pisong umano’y overpricing sa mga proyekto ng pampublikong imprastraktura, at magdadala ng malaking pondong flood control na hindi nagastos patungong 2026.

Sa isang press conference, nllinaw ni Gatchalian na walang binawas sa mga benepisyo ng mga empleyado ng gobyerno.

“So sa NEP, ang performance bonus is ₱27B. Sa GAA, ₱27B rin. So walang mababawasan na bonus,” aniya, at idinagdag na tumaas pa ang Miscellaneous Personnel Benefits Fund.

“Walang katotohanan na mawawala ang bonus… dinoble pa natin from 2025 ang MPBF.” anito.

Tungkol sa pensyon, sinabi ng senador na nanatiling buo ang pondo. “Ang net is ₱147B. Ang GAA is ₱147B. Exactly the same. So hindi ginalaw ang pension amounts,” aniya.

Ipinaliwanag din ni Gatchalian na pinalawak ang anti-EPAL rules at hindi na lamang tuwing eleksiyon ipinatutupad.

“Ginawa na namin every year. Hindi lang election year. Every day anti-EPAL na,” aniya, kasabay ng obligasyon ng lahat ng ahensiya na magsumite ng kani-kanilang guidelines para sa oversight ng Kongreso.

Ayon pa sa kanya, tinanggal din ng Senado ang umano’y sobra-sobrang gastos sa mga proyekto ng DPWH at pinalakas ang transparency.

“Tinanggal na natin ang overpricing sa DPWH—almost ₱20.5B ang tinanggal,” ani Gatchalian, at idinagdag na lahat ng proyekto ay may station numbers at coordinates na ilalagay sa transparency portal.

Sa flood control, sinabi ni Gatchalian na bumagal ang paggastos matapos ang kontrobersiya at internal na pagbabago sa ahensiya, kaya’t malaking pondo ang hindi nagamit. “To date, ang unimplemented flood control is about ₱350B na gagamitin for 2026,” aniya.