Oducado

Panukalang batas vs ‘loan sharks’ inihain ni Oducado

Mar Rodriguez Jan 6, 2026
161 Views

NAGHAIN ang isang kongresista ng panukalang batas na magbibigay proteksyon sa mga consumers laban sa mga tinatawag na “loan sharks” dahil maraming Pilipino ang nalubog sa malaking pagkakautang bunsod ng mapanlinlang na pamamaraan ng mga bangko at lending companies.

Inihain ni 1-TAHANAN Party List Rep. Nathaniel Oducado na ito ang nilalaman ng kanyang House Bill No. 6980 o ang “Credit Cards and Loan Penalties Surcharges Regulations Act” at House Bill No. 6968 o ang “Strengthening Access to Credit for Micro and Small Business Act of 2025.”

Ipinaliwanag ng kongresista na tinatayang 60% ng pamilyang Pilipino ang nahihirapan o iginagapang ang kanilang pang-araw araw na gastusin na sinasabayan ng pagbabayad ng utang sa kanilang loan at credit card.

“As early as 2025, household and consumer loans reached P3.18 trillion with credit card receivables exceeding P560 billion,” ayon kay Oducado.

“Under HB 6980, uniform rules will be established on the total cost of credit, regardless of the loan amount or the type of lender. Disclosure requirements for banks and lending institutions will also be required providing legal remedies for borrowers subjected to unfair charges,” sabi ng kongresista.

Hinihikayat din ni Oducado ang mga kapwa nito mambabatas na maghain din ng kahalintulad na panukala para maprotektahan ang mga Pilipino consumers.