Paa

Paa ng tao naaagnas, nakalabas sa sako, nadiskubre

145 Views

DAHIL sa masangsang na amoy, nadiskubre noong Huwebes ng mga residente ang isang bangkay ng tao na nakasilid sa sako sa gilid ng bangin sa Marcos Highway, Sitio Cabading, Barangay San Jose sa Lungsod ng Antipolo.

Bandang ala-1:30 ng hapon noong Enero 22, nakatanggap ng ulat ang mga kapulisan tungkol sa natuklasang bangkay at kaagad silang sumugod sa lugar upang beripikahin ang ulat.

Pagdating nila ay nakumpirma ng mga opisyal ang drum ng Orocan na naglalaman ng sako, kung saan makikitang nakalabas ang isang paa ng tao.

Kaagad na senelyuhan ng mga pulis ang lugar para sa ginagawang pagsisiyasat, kasama ang Scene of the Crime Operatives (SOCO) na nagsagawa ng teknikal at forensic na imbestigasyon sa pinangyarihan.

Hindi pa alam ang pagkakakilanlan ng biktima.