Just In

Calendar

May 2026
M T W T F S S
 123
45678910
11121314151617
18192021222324
25262728293031
Pinatay

Pulis natagpuang patay sa loob ng poso negro sa Malolos

Bernard Galang Jan 31, 2026
294 Views

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan – Natagpuang patay ang isang pulis sa loob ng isang poso negro sa Felicissima Village, Barangay Mojon, dito umaga ng Sabado, matapos ang umano’y pamamaril na naganap isang linggo ang nakalipas, ayon sa mga awtoridad.

Sa ulat na isinumite sa direktor ng Police Regional Office 3 na si Brig. Gen. Ponce Rogelio Peñones Jr., kinilala ng Bulacan police ang 46-anyos na biktima na si PSSg. Renato Casauay Jr., isang pulis at residente ng Sta. Barbara, Baliuag, Bulacan.

Batay sa paunang imbestigasyon, nabigo umanong makauwi ang biktima isang araw matapos ang insidente, kaya iniulat siyang nawawala ng kanyang asawa.

Ayon sa salaysay ng dalawang saksi, isa sa mga suspek ang nagtungo sa bahay ng biktima at umamin na siya ang bumaril at pumatay sa biktima.

Sinabi umano ng suspek na nakagawa ng biro ang biktima na kanyang ikinagalit, na siyang nagtulak sa kanya upang barilin ito.

Dagdag ng pulisya, itinapon ng suspek ang bangkay ng biktima sa isang poso negro sa lugar ng insidente, na naging sanhi ng pagkawala ng biktima.

Kinilala ng mga awtoridad ang mga suspek bilang sina alyas “Mon,” ang sinasabing gunman na residente ng Brgy. Sto. Niño, Paombong, Bulacan, na nananatiling at large; alyas “Sampol” na residente ng lugar ng insidente na naaresto na; alyas “Ricio,” ama ni Sampol na patuloy ding pinaghahanap; alyas “Encio,” isang pulis na nakatalaga sa Malolos City Police; at walong hindi pa nakikilalang indibidwal o John Does.

Naaresto si alyas “Encio” dahil sa umano’y kabiguang agarang arestuhin ang suspek, matapos ang pag-amin nito sa krimen.

Nanatiling at large ang sinasabing gunman.

Ayon sa pulisya, isinasagawa na ang paghahain ng kaukulang kasong kriminal para sa paglabag sa Article 248 ng Revised Penal Code o kasong murder laban sa mga suspek.

Isinagawa rin ang isang joint operation ng Malolos City Police katuwang ang Police Intelligence Branch, Police Intelligence and Detection Management Branch, Criminal Investigation and Detection Group, Police Drug Enforcement Group SOU 3, Baliuag Police at iba pang concerned units sa lugar ng insidente.

Sa naturang operasyon, narekober ang bangkay ng biktima mula sa isang tinaguriang man-made tomb na may tinatayang sukat na isang metro.

Natagpuan din sa lugar ang helmet at Givi box ng biktima.

Humingi ng tulong ang mga awtoridad sa Bulacan Forensic Unit at Scene of the Crime Operatives upang iproseso ang crime scene at magsagawa ng masusing pagsusuri.