Bomb Source: QCPD-PIO

Vintage bomb nahukay sa UP Diliman; klase sinuspinde

186 Views
Bomb1
Source: QCPD-PIO

NAHUKAY ang isang vintage bomb sa gilid ng Institute of Chemistry–Teaching Building sa UP Diliman, Quezon City, Martes ng umaga.

Ayon sa guwardiya, naghuhukay pa lamang ang mga construction worker para sa driveway nang makita ang bomba bandang 10:15 a.m.

Agad na pinatigil ang trabaho at pinalikas ang mga estudyante at staff ng gusali.

Bandang 11:35 a.m., ligtas na nakuha ng QC Police EOD ang vintage bomb matapos isagawa ang safety procedures.

Sinuspinde ang klase sa nasabing gusali bilang pag-iingat.