Calendar
De kalidad ng mga guro na magtuturo gustog siguruhin
PINANGUNAHAN ni Senador Sherwin Gatchalian noong Martes, Pebrero 3, ang isang pagdinig publiko kaugnay ng mga panukalang amyendahan ang Philippine Teachers Professionalization Act, kung saan binigyang-diin niya ang pangangailangang matiyak na tanging mga de-kalidad na guro ang makapapasok sa teaching workforce upang mapabuti ang learning outcomes ng mga mag-aaral.
Ayon kay Gatchalian, magsisilbing “gatekeeper” ang panukalang batas sa propesyon ng pagtuturo sa pamamagitan ng regulasyon kung sino ang maaaring maging professional teacher at ng pagtatakda ng mga pamantayan upang mapataas ang kalidad ng edukasyon.
“This is the teacher professionalization bill. I call this the gatekeeper for all teachers who want to join the workforce. It regulates the teaching profession and provides the gatekeeping mechanism to ensure that highly qualified teachers join the teaching workforce as professional teachers,” ani Gatchalian.
Sa pagdinig, inimbitahan niya ang mga resource person na magbahagi ng kanilang mga pananaw at mungkahi kung paano pa mapapalakas ang panukalang batas upang matiyak ang pagkakaroon ng mga mataas ang kwalipikasyong guro sa bansa.
Samantala, co-sponsor naman si Senador Francis “Kiko” Pangilinan noong Lunes, Pebrero 2, ng Senate Concurrent Resolution No. 8 na nananawagan sa pagpapatupad ng National Education and Workforce Development Plan para sa 2026 hanggang 2035 at sa paggamit ng mga rekomendasyon ng Second Congressional Commission on Education o EDCOM 2 bilang 10-taong balangkas ng reporma sa edukasyon.
Ayon kay Pangilinan, kinukumpirma ng mga natuklasan ng EDCOM 2 ang matagal nang mga suliranin sa sistema ng edukasyon, kabilang ang siksikang mga silid-aralan, pagod na mga guro at mag-aaral, at mahihinang learning outcomes.
“EDCOM 2 confirms the long-standing problems of our education system. Classrooms are overcrowded. Teachers and students are exhausted, yet learning outcomes remain poor. The resolution makes it clear that the education sector must be saved. If a child in Grade 3 cannot read, or if a high school student cannot do basic math, we are effectively cursing the future of our children and our country,” ani Pangilinan.
Nanawagan siya sa pamahalaan na isulong ang mga reporma sa edukasyon sa pamamagitan ng malinaw at may takdang panahong plano upang matiyak ang tuloy-tuloy na aksyon at pananagutan ng parehong kapulungan ng Kongreso.
“We are giving the entire system a chance to fight, even in a difficult political environment. After the work of EDCOM 2, our work begins,” dagdag pa ni Pangilinan. /// ps jun m sarmiento

