Bomb

CEU binulabog ng bomb threat

Jon-jon Reyes Feb 4, 2026
140 Views

NABULABOG ang mga guro at estudyante sa Centro Escolar University sa Mendiola St, Bgy 641,San, Miguel Manila matapos makatangap ng diumanoy bomb threat nitong Martes ng umaga.

Ayon sa report ng pulisya, bandang 9;35 ng umaga ng may natanggap na email si Maria Nicole Carrido, 25,single, University Student Council President mula sa sender naTRNP na may email address na trnp67270@gmailmcom.

Ang mensahe: “The time is running out. All buildings inside the premises are compromise with a ___.TICK TOCK TICK TOCK DentSci – 4 GDL – 2 SDV – 1 CDL – 2 PHL – 3 CAH – 2 FSH – 1 Happy Hunting!

PS Leave the premises on or before 10am. There will be a 15 minute interval for the great show.

Agad ipinaalam ni Carrido sa Bise Presidente ng Student Affairs na si Doctor Carlito Olajer ang insidente.

Dali-daling pinaalam ni Olajer ang insidente sa Detachment Commander na si Julian Sularan at Assistant Vice President for Operations Noel Baluyan.

Sinuri ang lugar ni Security Supevisor Joseyas Batas JR.

Walang nakitang mga kahina-hinalang bagay sa paaralan. Huming ng tulong ang pamunuan ng CEU sa MPD Barbosa Police Station14 upang siguruhing walang bomba sa naturang lugar.

Agad tumungo ang kapulisan sa CEU sa pangunguna ng PLT.Col. Cicero M. Pura kasama ang mga operatiba ng MPD-DECU upang alamin ang pinagmulan ng bomb threat at ang motibo sa likod nito.