Suspek

2 suspek sa pagbebenta ng substandard products arestado

Steve A. Gosuico Feb 5, 2026
211 Views

CABANATUAN CITY–Nasakote ng mga operatiba ng Nueva Ecija-Criminal Investigation and Detection Group (NE-CIDG) ang dalawang lalaking suspek sa pagbebenta ng mga substandard na speaker at ilaw.

Nasukol ang dalawa ng makumpiska sa kanila ang humigit-kumulang P800,000 na halaga ng audio speaker at light emitting diode (LED) noong Miyerkules.

Sa ulat kay CIDG regional chief 3 P/Col. Grant Gollod, kinilala ang dalawang naaresto na sina alyas Cholo at Oscar.

Natimbog ang mga suspek sa buy-bust kung saan nahuli silang nagbebenta ng ilang substandard na produkto sa isang undercover operative kapalit ng P30,000.

Nakumpiska sa operasyon ang 80 piraso ng BTS-1740 Brodu audio speakers at 50 limampung LED multifunctional lithium lamp tubes na may estimated value na P800,000.

Nakumpiska rin sa operasyon ang isang sales invoice at marked money na binubuo ng isang tunay na P1,000 bill at 29 boodle money na nagkakahalaga ng P29,000.

“Nananatiling nakatuon ang CIDG sa pangangalaga sa kapakanan ng mga mamimili,” sabi ni Col. Golod.