Calendar
Relos, alahas, cash nalimas sa 2 stalls sa Bulacan
UMAABOT sa P730,000 na halaga ng alahas, cellphones at cash ang nasimot ng pasukin ng mga kawatan ang tindahan ng relos, alahas at cellphones sa mall sa Brgy. Poblacion, Santa Maria, Bulacan noong Pebrero 6.
Pinasok ang Sayco Jewelry and Watch Store at Xelltop Trading Corp. sa I Mart shopping center sa R. Mercado St. ng bayan at nakuha ang ganitong halaga ng mga valuables at pera, ayon sa report.
Nadiskubre ni Heartly Espinosa, administrador ng I Mart Shopping Center, na magulo ang harapang bahagi ng customer service section nang buksan ang mall bandang alas-9:00 ng umaga.
Hindi nagtagal nadiskubre niya na ninakawan ng mga paninda ang dalawang establishments.
Kinilala ang mga biktima na sina Julie Umagtam, 40, may-ari ng Sayco Jewelry and Watch Store; at Melinda Ramos, 48, store manager ng Xelltop Trading Corp.
Tinatayang aabot sa P700,000 na mga alahas at relo na ninakaw sa Sayco at nawalan naman ang Xelltop Trading Corp. ng tinatayang P30,000.
Inilarawan ang isa sa mga suspek na nakaitim at puting checkered na long-sleeved na damit, itim na pantalon at itim na sapatos.
