CAAP

Pagsunod sa USOAP dinaan ng CAAP sa bootcamp

Jun I Legaspi Feb 8, 2026
264 Views

TAPOS na ang 3 araw na bootcamp ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) noong Pebrero 5-7 sa Talisay, Batangas na naglalayong palakasin ang teknikal na pagsunod ng CAAP sa Universal Safety Oversight Audit Programme (USOAP) ng International Civil Aviation Organization (ICAO) sa Setyembre 2026.

Pinangunahan ang mga sesyon ni Sandra M.A. Susantha De Silva, dating ICAO Asia and Pacific Safety Implementation Regional Officer.

Nagbahagi si Da Silva ng mga estratehiya mula sa iba’t-ibang bansang kasapi ng ICAO.

Lumahok ang mga kalahok sa audit simulations, role-playing exercises at regulatory reviews upang mapaigting ang kahandaan sa operasyon.

“Gusto kong maging malinaw–hindi ito tungkol sa numero sa isang scorecard. Ito ay tungkol sa tiwala; tiwala ng publiko sa aming serbisyo, tiwala ng pandaigdigang komunidad ng aviation sa aming sistema,” sabi ni CAAP Director General Raul Del Rosario.

Pinagtibay ng CAAP ang pangako nito sa patuloy na pagpapabuti at mahigpit na pagsunod sa pandaigdigang pamantayan ng kaligtasan sa himpapawid.