Calendar
Tinalakay ni Sen. Panfilo Lacson ang umano’y pang-aabuso ng mga kawani ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa paggamit ng Letters Of Authority (LOAs) sa mga negosyante sa ginawang pandinig ng ng Blue Ribbon Committee nitong Pebrero 10, 2026. Siniguro naman no BIR Commissioner Charlito Martin Mendoza ang agarang investigation tungkol sa nasabing report. JOSEPH MUEGO
Mga senador pinuna bagong audit reform ng BIR
PINUNA ng mga senador ang bagong reporma ng Bureau of Internal Revenue (BIR) kaugnay ng sistema ng audit nito dahil sa 100 reklamo, isa lang ang nakakaabot sa pormal na kaso sa dami ng ipinalabas na letters of authority (LOAs).
Binigyang-diin ni Sen. Erwin Tulfo na bagama’t libu-libong LOAs na nailabas sa mga nakaraang taon, isa lamang sa bawat 100 reklamo ang nakararating sa Department of Justice.
“Our question there is, do you have a way forward to prevent this from happening again? Are your reforms sufficient to stop this kind of arrangement?” tanong ng senador kay BIR Commissioner Charlito Martin Mendoza.
Ayon sa report, 30 tauhan na ang iniimbestigahan, at 25 dito ay pormal nang kinasuhan. Binigyang-diin niya na maaaring masampahan ng administratibo, sibil, o kriminal na kaso kung lalabag sa bagong panuntunan sa audit.
Pinamunuan ni Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson ang pagdinig, at hinikayat ang BIR na isama ang mga sistema nito sa eGovPH upang alisin ang sobrang pakikialam ng tao sa proseso.
“I suggest that instead of your stand-alone website, you link it to eGovPH… minimize or eliminate human intervention,” sari ng senador.
Ibinunyag ni Lacson ang datos mula 2023 hanggang 2025 kung saan 3,520 LOAs ang inilabas ng RAFT task force ng BIR, pero 54 lamang ang nauwi sa final decision.
Sa P601.01 bilyong assessed payables mula sa Notices of Discrepancy, P7.95 bilyon lang ang nabayaran o 1.32 porsiyento.
Iminungkahi rin ni Lacson na makipag-ugnayan ang BIR sa SEC, LTO at LRA para sa data-sharing upang matukoy agad ang mga assets ng taxpayer tulad ng lupa, sasakyan at shares sa kompanya.
Nanawagan din si Lacson ng mas pinaigting na information campaign hinggil sa verification ng LOA at iba pang reporma ng BIR upang maprotektahan ang mga taxpayer sa pekeng auditor o mapanlinlang na kawani.
Tiniyak naman ni Mendoza na operational na ang kanilang online verification system at mahigit 6,000 requests na ang natanggap.
Binigyang-diin ni Lacson na may kakulangan ang 2026 budget ng hindi bababa sa P200 bilyon kaya’t hindi dapat itigil ang tagas sa kita ng gobyerno mula sa buwis.

