Patay

Lalaki umakyat sa bakod ng paaralan, nahulog, tigok

Gil Aman Feb 25, 2026
279 Views

PATAY ang isang lalaki na umakyat sa mataas na bakod ng isang paaralan sa San Mateo, Rizal, umaga ng Martes

Tanging nakasuot ng itim na sando at itim na short pants ang biktima nang ito ay matagpuan, at pinaniniwalaang nahulog mula sa bakod.

Sa pamamagitan ng CCTV monitoring, unang nakitang umiikot ng isang babaeng utility guard ang hindi kilalang lalaki mga dakong alas-6 ng umaga hanggang ito ay mawala.

Dahil sa pangyayari, agad ini-report ito sa barangay tanod upang hanapin sa school premises at mga classroom ang lalaki.

Nabigong makita ito, subalit dakong alas-12:20 ng tanghali ito ay natuklasan na wala nang ulirat.

Agad dinala ng Quick Response Medic sa East Avenue Medical Center ang lalaki na nagkaroon ng traumatic injuries, subalit ilang sandali ay nalagutan ito ng hininga.

Samantala, patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya upang kilalanin ang nasawi.