Kontratista tiklo sa boga sa Taal
Nov 16, 2026
PRO 3 nag-inspeksyon para sa ‘Tamang Bihis’ program
Nov 15, 2026
Calendar
Nation
Kumakalat na balitang naospital PBBM fake news — Palasyo
Peoples Taliba Editor
Feb 28, 2026
621
Views
NILINAW ng Malacañang na nasa mabuting kalusugan si Ferdinand R. Marcos Jr., kasunod ng mga kumalat na ulat na dinala umano siya sa St. Luke’s Medical Center sa Quezon City.
Ayon kay Palace Press Officer Claire Castro, walang katotohanan ang naturang mga pahayag at maayos ang kalagayan ng Pangulo.
Dagdag pa ni Castro, nagtatrabaho pa nga umano ang Chief Executive ngayong weekend, kabilang ang isang pribadong pagpupulong kasama ang Presidential Management Staff nitong Sabado ng umaga.

