Calendar
Source: PNP
4 na suspek sa hazinb na ikinamatay ni Alcedo sumuko









GEN. TRIAS CITY, CAVITE — Sumuko ang apat pang suspects sa 17 na pinangalanan ni DILG Secretary Jonvic Remulla sa naganap na hazing noong March 1, 2026 sa Sitio Asiongan, Brgy. Langkaan 1, Dasmariñas City.
Sumuko sa tanggapan ng General Trias City Police Office sa ilalim ni Police Lt. Colonel Bismark Mendoza sa Bgy. Bagumbayan, nitong Linggo ng gabi sina alias John, 22, residente ng B62 L38 Golden Horizon Villas, Bgy. Hugo Perez, Trece Martires City, 3rd yr student ng PNTC Dasmariñas, alias Archie, 21, residente ng Section 14 Blk 1, Lot 13, Belvedere 3, Pasong Kawayan 2, Gen. Trias City, 3rd year student ng PNTC, alias Kenneth, 18, residente ng Brgy. Balite, Montalban, Rizal, 1st year student ng PNTC at alias John, 19, residente ng Zone 1-A Riverside St., Dasmariñas City.
Kusang isinubmit ng mga suspek ang kanilang mga sarili sa Gen. Trias CCPS kaugnay ng mga kasong isinampa laban sa kanila sa Dasmariñas City.
Dala ng mga suspek ang kanilang pinirmahang statements sa tulong ng kanilang abogado.
Dalawa sa apat na sumuko ay kinumpirmang kasama ng naunang sumuko na nagdala sa nasawing biktima sa hospital sa Manggahan.
Patuloy na nanawagan ang awtoridad na sumuko na ang iba pang mga suspects bago maglunsad ng manhunt laban sa kanila ang kapulisan.

