Calendar
Bill sa pagbabawal ng vape sa PH ipinasa ng party list lawmaker
ISINULONG ni 1-Tahanan Party List Rep. Nathaniel Oducado ang panukalang batas para sa pagbabawal sa paggamit, pagbebenta at distribution ng “heated tobacco” o mas kilala bilang vape.
Sinabi ni Oducado na laganap na ang paggamit ng vape sa Pilipinas at inaakala ng ilan na ito ay mas ligtas kapalit ng conventional smoking na mayroong nicotine na nagiging sanhi ng lung cancer.
Ikinababahala ni Oducado na habang tumatagal ay mas lalong dumadami ang mga Pilipinong gumagamit ng vape, lalo na ang mga nasa murang edad tulad ng mga estudyante dahil sa malawakang advertisements.
Ipinaliwanag pa ni Oducado na lingid sa kanilang kaalaman ang electronic cigarette ay isang malaking banta sa kalusugan sapagkat ang mga sakit na maaaring makuha mula sa paggamit nito ay kinabibilangan ng lung injury, asthma exacerbation, pneumonia at chronic airway inflammation.
Isinulong ng mambabatas ang House Bill No. 6990 para tuluyan ng ipagbawal o i-ban ang paggamit ng vape sa bansa.
“This measure seeks to ban the use, possession, sale and distribution of heated tobacco products and vapor products, declare them dangerous to public health and provide strict enforcement mechanisms,” paliwanag ni Oducado.

