Collab ng BPPO, 7SAB pinalakas
Jul 10, 2026
Rape suspek, nakorner ng mga parak sa parking lot
Jul 10, 2026
Calendar
Provincial
Nanghalay ng 5 beses huli sa Cainta
Jojo Cesar Magsombol
Mar 16, 2026
341
Views
HINDI na nakaporma noong Sabado ang lalaking suspek sa limang counts ng panghahalay ng tikluin ng mga pulis sa tabi ng Q Plaza mall sa Brgy. San Isidro, Cainta, Rizal.
Bandang alas-10:30 ng umaga naaresto si alyas Zedrick na akusado ng limang bilang ng kasong qualified rape sa isang menor de edad.
Nahuli siya ng mga miyembro ng Cainta police bitbit ang warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Marissa Pajuelas Estabaya ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 111 ng Bacoor City, Cavite.
Ang hukom ay walang inirekomendang piyansa sa bawat bilang ng nabanggit na kaso.
Kasalukuyang nakakulong ang akusado sa piitang bayan ng Cainta.
Collab ng BPPO, 7SAB pinalakas
Jul 10, 2026
Rape suspek, nakorner ng mga parak sa parking lot
Jul 10, 2026
Landslide sa Sarangani, 10 nasawi
Jul 10, 2026

